WALANG MAGAWA | Paglalagay ng signal jammer ng China sa Panganiban Reef, hindi kayang pigilan – DND Sec. Lorenzana

Manila, Philippines – Hindi kayang pigilan ng Pilipinas ang China sa paglalagay ng signal jammer sa lahat ng kanilang reclaimed islands.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Defin Lorenzana matapos ang ulat ng wall street journal na naglagay ng signal jammer ang China sa Panganiban Reef, isa sa mga isla sa West Philippine Sea.

Ayon kay Lorenzana, posibleng naglagay ang China ng signal jammer dahil alam nilang mamo-monitor sila ng mga armadong US Navy Ships.


Aniya napakadaling maglagay ng signal jammer sa isang sasakyan para putulin ang komunikasyon at ang pinakamodernong paraan nito ay nagagamit sa mga weapon system na makikita sa mga malalaking barko at gusali

Dahil high tech ito maaring buksan o patayin depende sa mission at kahit may sensor ay hindi malalaman na may signal jammer kung hindi ito naka-on o nakabukas.

Facebook Comments