Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na tuloy na tuloy pa rin ang Barangay Elections sa darating na Mayo.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng naging pahayag umano ni Senador Frank Drilon mayroon plano na madaliin ang Charter Change at ilipat ang Barangay Elections sa October para maisabay na ang plebesito sa Cha-Cha.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakausap niya si Senate President Koko Pimentel at sinabi aniya nito na walang nagsusulong sa Senado na ipagliban muli ang barangay elections at kung may nagsusulong aniya nito sa Kamara ay malabong mangyari ito sa Senado.
Sinabi pa ni Roque na galing mismo sa liga ng mga Barangay sa bansa ay sinabi na na tuloy na tuloy na ang halalan sa darating na May 14.
Binigyang diin ni Roque na walang batayan ang pahayag ni Senador Drilon at masyadong speculative ang pahayag nito.