Walang malalabag na mga karapatang pantao- WESMINCOM Commander

Nasa mabuting mga kamay ang Western Mindanao Command ito pagsasalarawan ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr. kasabay ng pagkakatalaga bilang bagong WESMINCOM Commander kay Lt. General Arnel Dela Vega. Malaki rin ang tiwala ni Gen. Galvez sa kakayanan ni Gen. Dela Vega.

Kahapon , mismong si DND Secretary Delfin Lorenzana ang nanguna sa turn – over of command sa Camp Navarro sa Zamboanga City.

Nangako naman si Gen. Dela Vega na ipagpapatuloy ang mga magandang nasimulan ng mga nauna mga opisyal ng Wesmincom. Makakaasa rin aniya ang publiko na sisikapin nitong walang malalabag na mga karapatang pantao lalo ng mga sundalong nasa ilalim ng Wesmincom, kasabay rin ng nagpapatuloy na martial law sa Mindanao.


Bago ang pagkakatalaga sa Wesmincom, kilalang Peace Advocate na si Gen. Dela Vega at naging katuwang sa pagpapanatili ng peace and order sa 6th ID.
Balik Baril Program, pagpapabalik- loob ng mga dating kalaban ng gobyerno kabilang na ang NPA at BIFF , Family Feud o Rido Settlement ang ilan lamang sa mga programa nito na lubos na pinasalamatan ng mga mamayang sakop ng 6th ID.

AFP PIC

Facebook Comments