WALANG MALI | Student activism hindi mali ayon kay PNP

Manila, Philippines – Walang nakikitang mali si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa student activism pero hindi dapat na humantong ito na maging armado at makipaglaban sa gobyerno.

Ayon kay Albayalde, may karapatan ang sinuman na ihayag ang kanilang saloobin laban sa gobyerno sa mapayapang paraan.

Sa oras aniya na lumaban ang mga ito sa pamahalaan sa pamamagitan ng armed struggle hindi mag-aatubili ang PNP na ipatupad ang batas.


Sa ngayon nagsisimula na ang PNP sa pakikipag-ugnayan sa Commission on Higher Education (CHED) para tugunan ang problema kaugnay sa ginagawang recruitment ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga estudyante.

Siniguro naman ni Albayalde na ang ginagawang coordination ng PNP sa mga universities ay hindi magkakaroon ng negatibong impresyon lalo na ang sinasabing suppression of academic freedom.

Giit ng opisyal mahalaga ang academic freedom para maiangat ang critical thinking ng mga estudyante ngunit dapat na hindi humantong sa paghikayat sa mga ito na lumabag sa batas.

Facebook Comments