WALANG MASAMA | Agriculture Sec. Manny Piñol, walang nakikitang masama sa pag-import ng mga galunggong

Manila, Philippines – Walang nakikitang masama si Department of Agriculture Sec. Manny Piñol sa ideya ng pag-iimport ng galunggong.

Sa harap ito ng panawagan ng grupo ng mga mangingisda na i-boycott ang mga imported na “g-g”.

Giit ng pambansang lakas ng kilusang mamamalakaya ng Pilipinas o pamalakaya – sa halip na makatulong, unti-unti lang papatayin ng importasyon ang lokal na fish industry sa bansa.


Pero ayon kay Piñol – noon pa man ay nag-aangkat na talaga ng isda ang Pilipinas para matiyak ang food security ng bansa.

Nito lang nakaraang taon nang mag-import ang bansa ng 136,000 metric tons ng galunggong pero wala naman aniyang nagreklamo.

Nauna nang inaprubahan ng ni Piñol ang Fisheries Administrative order 195 para mag-import ng 17,000 metric tons ng galunggong sa China, Vietnam at Taiwan simula sa Setyembre a-uno.

Facebook Comments