MISIS NI MAR | Mga netizen, naintriga sa ginamit na hashtag ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram post

Manila, Philippines – Pinag-uusapan ngayon ng mga netizen ang naging Instagram post ng veteran broadcaster na si Korina Sanchez kagabi, August 27.

Marami kasi ang naintriga at natawa sa ginamit na hashtag ni Korina na “Misis ni Mar” (#misisnimar).

Wala naman daw malalim na pakahulugan ang post ni Korina.


Pero kung maaalala, naging kontrobersya ito noong Abril kung saan sa isang rant ni Kris Aquino sa Instagram tinawag niya si Korina na “misis ni Mar Roxas”.

Nag-ugat ang post ng queen of online world and social media sa pag-feature ng magazine show ni Korina sa ex-husband niyang si James Yap at asawang si Michaela Cazzola.

Facebook Comments