Manila, Philippines – Inihayag ng palasyo ng Malacañang na hindi na bagong bagay ang pagsasagawa ng joint exploration ng ibat-ibang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang masama at pinapayagan ng saligang batas ang pagkakaroon ng ganitong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa.
Binigyang diin ni Roque na maging ang Korte Suprema ay bumoto pabor sa issue sa botoing 10-4 kung saan pinapayagan nito ang Maritime Exploration.
Ilan lang aniya sa mga bansang nakapagsagawa na ng Joint Exploration ay ang Vietnam at China, Iceland at Cnooc, Papua New Guinea, New Zeland at iba pa.
Matatandaan na sinabi ni UP Institute For Maritime Affairs and Law of the Sea Director Dr. Jay Batongbacal na ekslusibo lang dapat sa Pilipinas ang pagsasagawa ng exploration sa West Philippine Sea dahil ito’y bahagi ng Exclusive Economic Zone ng bansa.