HINDI LANG PANG-BASKETBALL | Kobe Bryant, nanalo sa Oscar Awards

Amerika – Academy award winner!

Ito po ang panibagong achievement ni Kobe Bryant matapos manalo bilang best animated short film ang pelikula nito na pinamagatang “Dear Basketball.”

Si Bryant, future hall of famer ng basketball, ang producer ng pelikula na tungkol sa buhay ni Los Angeles Lakers icon mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa maglaro siya sa isa sa pinakasikat na koponan sa NBA.


Tinalo ni Kobe sa 90th academy awards ang Garden Party, Lou, Negative Space at Revolting Rhymes.

Si Bryant ay naglaro ng 20 season sa Lakers kung nagkampeon sa liga ng limang beses, nakakuha ng season MVP award, dalawang MVP finals award, 18 time all-star appearance, 15-time all NBA selection at maraming iba pang parangal.

Facebook Comments