WALANG MATATANGGAP | Mocha Uson, libre ang magiging serbisyo para sa information dissemination para sa Federalism

Manila, Philippines – Taliwas sa lumalabas na balita ay inihayag ngayon ng Constitutional Commission na walang matatanggap na anomang kabayaran si Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa kanyang papel na gagampanan na magpakalat ng impormasyon patungkol sa Federalismo.

Sa interview kay Conrado “Ding” Generoso, ang tagapagsalita ng Constitutional Commission, bahagi naman si Uson ng Presidential Communications Operations Office o PCOO na siyang lead agency sa information dissemination campaign para sa Federalismo kaya hindi kailangang tumanggap pa ng hiwalay na bayad para sa gagawin nilang kampanya.

Sinabi ni Generoso na ang magiging papel ni Uson ay ang pagpapakalat ng impormasyon gamit ang social media dahil sa lawak ng naaabot ni Uson sa social media platform.


Naniniwala din naman si Generoso na hindi dapat sa personalidad tumitingin kundi sa kahalagahan ng Federalismo sa mamamayan.

Binigyang diin ni Generoso na kailangang maipaliwanag sa taongbayan ang malalaking pakinabang ng Federal Form of Government.

Inaasahan naman aniya na magsisimula ang information campaign ng Pamahalaan para sa Federalismo sa loob ng 1 hanggang 2 linggo o pagkatapos ng kanilang ginagawang mga paghahanda.

Gugugol aniya ang Pamahalaan ng 90 milyong piso para sa information dissemination, 50 million ang magmumula sa natipid ng concom at ang 40 million ay magmumula naman sa Department of Interior and Local Government.

Facebook Comments