WALANG NANLABAN? | PNP, ipinagmalaki na “bloodless” pa rin ang kanilang Oplan Tokhang

Manila, Philippines – Ipinagmamalaki ng Philippine National Police (PNP) na “bloodless” pa rin ang kanilang Oplan Tokhang matapos ang naging relaunch nito noong Enero 29.

Sa datos na inilabas ng PNP Directorate for Operations, nakapagtala sila ng mahigit dalawang libong tokhang activities sa buong bansa kung saan nasa 2,489 na mga drug personalities ang sumuko sa otoridad.

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. John Bulalacao, simula noong December 5, 2017 hanggang February 22 ngayon taon, aabot na sa 8,773 drug personalities ang naaresto sa isinagawa nilang 5,636 anti-illegal drug operations.


Nasa 88 namang drug suspects ang nasawi sa police operations.

Sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, walang bagong approach na ipapatupad ang PNP sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Facebook Comments