iFM Laoag – “Walang Novel Corona Virus (nCoV) sa Ilocos Norte sa ngayon” – ito ang pahayag ni Dr. Josephine Ruedas tagapangasiwa ng Provincial Health Office sa nasabing probinsya.
Ayun kay Ruedas, ang tatlong tao (3) na pasiente na inoobobserbahan ng DOH sa Ilocos Region o Patient Under Investigation ay wala sa Ilocos Norte.
Ganun paman, pinapaalala ng doctor ang proper hygiene gaya na lamang ng pagligo, paghugas ng kamay at paglagay ng alcohol o sanitizer sa kamay minuminuto.
Nakahanda naman ang Mariano Marcos Memorial Hospital & Medical Center (MMMH&MC) sa Batac City hinggil dito at gumawa na ng isolation room kung sakaling may pasiente na apektado ng novel Corona Virus (nCoV). Pahayag naman ito ni Dr. Marie Joyce Urnos Santos, Infectious Disease Specialist sa nasabing ospital. (Bernard Ver, RMN News)