WALANG NILAGDAAN | Pilipinas at Israel, hindi magkakaroon ng panibagong arms deal

Inihayag ni Philippine Ambassador to Israel Nathaniel Imperial na hindi magkakaroon ng lagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Israel patungkol sa panibagong pag pili ng mga military equipments.

Sa interview ng Media kagabi kay Imperial matapos ang Pagharap ni Pangulong Duterte sa Filipino Community ay sinabi nito na walang bagong arms deal ang lalagdaan pero mayroon naman aniyang nagpapatuloy na philippine logistics agreement na nilagdaan noong 2014.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na magbibigay siya ng update kung mayroon o walang bagong arms deal dahil meron aniyang nakatakdang pulong ang pangulo sa private arms suppliers.


Una nang kinumpirma ni Roque na inaasahan na pupunta si Pangulong Duterte sa isng military base dito sa Israel at titingin din ito ng mga rescue and emergency equipment.

Facebook Comments