WALANG PAGKUKUNAN | Supply ng tubig, posibleng kapusin

Manila, Philippines – Naniniwala ang pamunuan ng Manila Water na posibleng kakapusin dalawang taon simula ngayon kung hindi agad matutugunan ang kakulangan ng supply ng tubig.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Manila Water Head Communication Jeric Sevilla Jr. mayroon tayong technology na available pero ang kulang aniya ay infrastructure katulad ng dam, treatment plan at malalaking linya na dadaluyan ng tubig.

Paliwanag ni Sevilla dalawang taon simula ngayon ay posibleng kakapusin ng supply ng tubig kapag walang bagong source o pagkukunan ng supply ng tubig.


Giit ni Sevilla ginagawa ng ahensiya ang Rizal Province Water Supply Improvement Project na tinatayang matatapos last quarter ngayon taon na pinondohan na anim na bilyong piso ng Manila Water.

Facebook Comments