WALANG PAKIALAM?| Mga hakbang ng China sa West Philippine Sea, pinabayaan at binalewala ng administrasyong Duterte

Manila, Philippines – Ang administrasyong Duterte mismo ang sinisisi ni opposition Senator Bam Aquino kaya nagawa ng China na maglagay ng missile system sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Diin ni Aquino, ang hakbang ng China ay bunga ng sukdulan na ilang buwang pagpapabaya at pagbalewala ng pamahalaan sa isyu sa West Philippine Sea.

Giit ni Aquino, hindi pinahalagahan ng Malacañang ang kasarinlan ng ating bansa kaya naisantabi na rin ang kaligtasan ng mamamayan Pilipino.


Kaugnay nito ay hinihiling ni Aquino na maging bukas na ang administrasyon sa mga kasunduang kaakibat ng pakikipagkaibigan sa China upang patunayan na hindi natin isinusuko ang ating teritoryo at iba pang yaman.

Facebook Comments