Manila, Philippines – Dedma! Ito ang mariiing tugon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales matapos kunan ng pahayag ng mga kasapi ng Media kaugnay sa pagkakaluklok ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang House Speaker.
Hindi aniya siya napadalhan ng imbiyasyon sa SONA kaya minabuti niya na hindi na lamang dumalo.
Aniya, wala siyang komento sa nangyaring palitan ng liderato sa Kamara dahil isa itong panloob na aksyon ng mga mambabatas.
Wala aniyang epekto sa kaniya kung kasabay ng pagbaba niya sa puwesto bukas ay naging mas makapangyarihan si GMA na inimbestigahan niya dahil sa mga kaso ng katiwalian.
Hindi aniya Sinagot ni GMA ang mga alegasyon ng korapsyon dahil hindi na umabot sa presentasyon ng ebidensya ang pagdinig matapos katigan ng Sandiganbayan ang motion to demurrer to the case ni Arroyo.
Ginawa ni Morales ang pahayag sa kaniyang farewell address sa Media kasabay ng kaniyang pormal na pagbaba sa puwesto bukas.