WALANG PARKING │Mga mamimili sa Divisoria sa Maynila, pinayuhan na huwag nang madala ng sasakyan

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang mga mamimili sa Divisoria na huwag nang magdala ng sasakyan.

Ayon kay MTPB Chief Dennis Alcoreza, mas mainam nang huwag magdala ng sasakyan sa Divisoria dahil baka maubos lang ang oras sa kakahanap ng paradahan.

Pero kung hindi aniya talaga maiiwasan, pinapayuhan ang motorista na sa Magallanes drive maghanap ng parking.


Sinabi naman ng MTPB na mayroong e-trikes na magdadala sa mga mamimili sa Divisoria at nagkalat din ang mga ito sa Binondo church.

Pinapayuhan din ang mga mamimili na huwag sumakay sa mga pedicab o kuliglig dahil bawal na ang mga ito at mag-ingat sa riding in tandem.

Tiniyak rin ni Alcoreza na dodoblehin nila ang seguridad sa lugar.

Facebook Comments