Walang Pasok

Ilagan, Isabela – Walang pasok ngayon sa lalawigan ng Isabela sa mga pre-schoolers sa pribado man o pampublikong paaralan batay sa bisa ng Executive Order 66 ukol kanselasyon ng mga pasok sanhi ng bagyo o kalamidad.

Ito ang impormasyong nakuha ng RMN Cauayan News mula kay Isabela Information Officer Jessie James Geronimo.

Nasa ilalim ng signal number 1 ang mga lalawigan ng Cagayan kasama ang Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province at Ifugao dahil kay Tropical Depression Odette.


Samantala, may paabiso naman ang Cagayan Provincial Information Office na walang pasok sa araw na ito, Oktubre 12, 2017 mula senior high school pababa sa pre-school sa naturang lalawigan.

Si Tropical Depression Odette ay inaasahang magdadala ng medyo malakas hanggang malakas na pag-ulan sa loob ng 350 kilometro na diametro nito.

Sa pinakahuling taya ng PAGASA, si TD Odette ay nasa 750 kilometro Silangan ng Tuguegarao taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna at bugso na 65kph. Ito ay gumagalaw sa direksiyong pakanluran sa bilis na 26 kilometro kada oras.

Nakaalerto naman ang Isabela PDRRMC sa anumang tawag ng sitwasyon kaugnay sa nararanasang pag ulan sa lalawigan simula pa kahapon.

Facebook Comments