Sunday, April 5, 2026

𝟰-𝗗𝗔𝗬 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗪𝗘𝗘𝗞, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Cauayan City – Ipatutupad muli ng Local Government Unit of Cauayan City ang 4-Day Compressed Work Week bilang pagpapatibay sa umiiral na Fuel Conservation Measures sa lungsod.

Sa inilabas na anunsyo ng LGU Cauayan, nakasaad sa Executive Order No. 21 na epektibo na ngayong araw, ika-9 ng Marso ang nasabing kautusan.

Sa nabanggit na Compressed Workweek, magiging lunes hanggang huwebes sa oras na 7AM hanggang 6PM na lamang ang pasok ng mga government offices.

Gayunpaman, exempted sa kautusang ito ang mga opisinang naghahatid ng emergency response operations kabilang na ang police stations, fire stations, ambulance services, public health and medical services, sanitation and garbage collection services, disaster risk reduction and Management operation, traffic management and public safety operations, at ang iba pang opisina na matutukoy ni City Mayor Caesar “Jaycee” Dy Jr., na essential.

Samantala, sa kabila ng pagpapatupad ng bagong working schedule ng mga government offices ay dapat pa ring masiguro na hindi maaapektuhan o made-delay ang paghahatid serbisyo ng mga ito sa mga Cauayeño.

Maaari namang maglatag ang bawat opisina ng alternatibong paraan sa paghahatid serbisyo katulad na lamang ng online services, appointment system, at skeletal staffing kung kinakailangan.

Facebook Comments