*Dagupan City – *Inanunsyo kahapon ganap na alas-singko ng hapon sa pamamagitan ng official facebook account ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang maagang pagkansela ng klase sa lungsod sa darating na September 13, 14 at 15, 2018. Sakop ng nasabing kanselasyon ang kindergarten hanggang graduate school bilang precautionary measure ng city government sa maaring maging epekto ni Ompong na ngayon ay itinuturing ng super typhoon.
Nasa red alert status narin ang CDRRMO kung saan inihanda na ang mga pangunahing kagamitan para sa posibleng search and rescue operation. Inihahanda narin ang mga evacuation centers na maaring paglikasan ng mga residenteng maaring matinding maapektuhan. Puspusan narin ang clearing operation ng lungsod sa mga drainage at ilang estero.
Matatandaang halos dalawang linggong nakalubog sa tubig baha ang malaking bahagi ng Dagupan City noong nakaraang buwan dulot ng matinding pag-ulan dala ng mga nagdaang bagyo at habagat kaya naman sumailalim ito sa state of calamity. [image: WALANGPASOK-RMN.png]