Manila, Philippines – Gagawa ang mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC) ng guidelines para sa pag-aanunsyo ng class suspensions lalo na tuwing masama ang panahon.
Ayon kay MMC President at Quezon City Mayor Herbert Bautista, nagpagkasunduan nila na magkaroon na ng “uniform” na basehan para sa pagdedeklara ng walang pasok.
Aniya, ang mga mayor pa rin ang magdedesisyon kung walang pasok kapag malakas na ulan o kung may malawakang baha.
Aminado naman si Bautista na ikinalungkot nila ang pagbatikos dahil sa late na anunsyo ng class suspension.
Ani ni Bautista, hindi patas para sa mga alkalde na mabatikos dahil sa bigong makapag-suspinde ng klase sa tamang panahon, gayung ang basehan nila ay “scientific” sa pagdedeklara ng class suspension.
Facebook Comments