WALANG PASOK | Pasok sa mga hukuman sa December 26, 2017 at January 2, 2018, kanselado na

Manila, Philippines – Walang pasok sa mga hukuman sa December 26, 2017 at January 2, 2018.

Kasunod ito ng abisong inilabas ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ang abiso ay alinsunod na rin sa Proclamation Numbers 50 series of 16 at 269 series of 2017 na nagdedeklara sa December 25, 2017, araw ng Pasko at January 1, 2018, Bagong Taon bilang regular holidays.


Layunin din ng nasabing suspensyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga opisyal at empleyado ng Hudikatura na makapagdiwang ng Kapaskuhan kasama ang kanilang mga pamilya.

Facebook Comments