Manila, Philippines – Idineklara nang special non-working day ng palasyo ng Malacañang ang December 26 at January 2 ng 2018 para sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ilalim ng executive department
Ito ay sa bisa ng Memorandum Circular number 37 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang ating mga empleyado ng gobyerno na ipagdiwang ang holiday season o Kapaskuhan kasama ang kanilang pamilya ng mas matagal.
Pero hindi naman kasama dito ang mga tanggapan ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagbibigay ng basic health services disaster preparedness and response.
Ipinaubaya narin naman ng Malacañang sa pribadong sector kung gagayahin o magdedeklara din ng kanselasyon ng pasok sa kanilang mga opisina.
Mga stranded na pasahero sa mga pantalan, bunsod ng bagyong Urduja, nadagdagan pa
Manila, Philippines – Nasa 3, 867 na ang mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ang stranded ngayong araw bunsod ng sama ng panahong dala ng bagyong Urduja.
Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, pinakamarami sa mga ito ay nagmula sa Bicol Region sa pantalan ng Matnog, na mayroong 2, 467 stranded passengers, na sinundan naman ng pantalan ng Tabaco na mayroong 326 stranded passengers.
Sa kabuuan, nasa 561 naman ang rolling cargoes, 34 vessels at 25 motor bancas ang hindi muna pinayagang makapalaot.
Nananatili namang mahigpit ang pagpapatupad ng PCG sa seguridad at mga guidelines sa pagbiyahe bunsod ng dahil sa pabago bagong galaw ng mga alon bunsod ng bagyong Urduja.