WALANG PATAYAN | PDEA, ipinagmalaki ang accomplishment sa war on drugs

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Philippine Drug Enforcement Agency na magmula nang hawakan nito ang war on drugs, nakapagtala ito ng 2,161 anti-drug operations nang walang patayang nangyari.

Ito ay mula sa panahong October 11 hanggang December 4, 2017.

Sa naturang mga operasyon ay naka aaresto ito ng 750 na drug personalities at pagkaka samsam ng P104.10 million na halaga ng illegal drugs.


Welcome development para sa Philippine Drug Enforcement Agency ang muling pagbabalik ng Philippine National Police sa mga anti-drug operations

Sa isang statement, ipinahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino na welcome para sa kanila ang desisyon ni President Duterte. Matagal ng gusto ng PDEA na makabalik ang PNP sa war on drugs.

Aminado ang PDEA na kulang ito sa mga tauhan, sa kagamitan at kapos sa budget kaya kinakailangan ang ayuda ng ibang law enforcement agencies.

Facebook Comments