WALANG PERMIT | Ibabiyahe sanang mga baril, nasabat sa bus station sa Cubao

Manila, Philippines – Isang kahon ng baril ang nasabat ng mga pulis sa Ceres Bus terminal sa E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Ang mga baril ang dala ni Felix Alcarde, retired AFP enlisted personnel, na dadalhin sana sa isang branch ng Onerca Security and Investigation Agency sa Iloilo.

Ayon kay QCPD Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar – nagsasagawa ng Oplan Sita sa naturang terminal ang kaniyang mga tauhan nang lumapit sa kanila ang isang kundoktor at sinabi ang tungkol sa mga baril na ikinarga sa kanilang bus.


Kabilang naman sa nakumpiska ng mga pulis ang tatlong shotgun at tatlong revolver na bagama’t may mga serial number, wala namang permit mula sa ahensya para ibiyahe.

Samantala, inaalam na ng QCPD kung may lisensya ang mga baril habang sasampahan naman ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Alcarde.

Facebook Comments