Manila, Philippines – Wala nang bagong permit na ilalabas ang Philippine National Police para sa pag-gawa ng paputok.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde
Paliwanag ng opisyal, ito ay bilang pagsunod ng PNP sa Memorandum Order 31 na inisyu ng Pangulo noong October 31.
Nakapaloob sa order ng Pangulo na ang PNP at ibang law enforcement agencies ay dapat na striktong ipatupad ang mga alituntunin kaugnay sa pag-gawa, pagbebenta At pag-gamit ng firecrackers at pyrotechnic devices.
Sinabi ni Albayalde na para naman sa mga existing manifacturers ay mahigpit na minomonitor ng Firearms and explosives office ang compliance ng mga ito sa mga existing regulations.
Paliwanag ni PNP Chief, ang paglimita sa bilang ng mga firecracker manufacturers ay inisyal na hakbang para sa posibleng pagpapatupad ng total firecracker ban sa hinaharap.