Wala pang naitatalang kaso ng novel coronavirus acute respiratory disease (NCoV-ARD) o maging Person Under Investigation (PUI) sa Region-12.
Sa panayam kay Arjohn Gangoso ng Department of Health -12, as of Feb. 4, walang naitatalang kaso ng NCOV sa rehiyon.
Kasabay nito ay pinapayuhan ni Gangoso ang mamamayan ng rehiyon na upang maka-iwas sa naturang sakit, panatilihing malinis sa katawan, palagiang paghuhugas ng kamay, palakasin ang resistensya o immune system sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain tulad ng mga gulay at prutas.
Sinabi pa ni Gangoso na inak-tivate na ng DOH-12 ang kanilang disease survielance system sa lahat ng pagamutan at rural health unit sa buong rehiyon para sa monitoring.
Pinapayuhan din ni Gangoso ang mamamayan ng Region-12 na panatilihin din ang ibayong pag-iigtan laban sa NCOV.
Kung sakaling may history ng paglalakbay sa ibang bansa lalo sa kung saan may kumpirmadong mga kaso ng NCOV na mag-self quarantine, obserbahan ang sarili at agad na magpatingin sa doktor kung nakakaramdam ng mga sintomas ng NCOV.
Sinabi pa ni Gongoso na iwasan na rin muna ang pagtungo sa matataong mga lugar o ang pakikisalamuha sa maraming tao.
PHOTO : DOH 12 ( For Illustration only)
Walang Person Under Investigation dahil sa NCOV sa Region 12
Facebook Comments