Walang physical classes, nakatulong para mailayo sa kapahamakan ang mga guro at estudyante – DepEd

Naniniwala ang Department of Education (DepEd) na ang pagbabawal ng face-to-face classes ngayong School Year (SY) ay nakatulong para mailayo sa kapahamakan ang mga guro at estudyante.

Ito ang pahayag ng kagawaran lalo na at marami pa rin lugar ang apektado ng dalawang nagdaang bagyo sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at sa iba pang ahensya.


Pero sinabi ng kalihim na matindi ang impact ng Bagyong Rolly at Ulysses sa mga imprastraktura at pasilidad ng DepEd kabilang na rito ang mga laboratoryo, silid-aklatan, learning materials, at gadgets.

Nasa 345 na paaralan ang ginagamit bilang evacuation centers kung saan 1,317 classrooms ang nagsisilbing temporary shelters sa 8,892 na pamilya o 33,018 indibidwal sa mga apektadong rehiyon.

Paalala ng DepEd, hindi maaaring gamitin bilang evacuation centers ang mga eskwelahang nagsisilbing COVID-19 quarantine facilities.

Facebook Comments