WALANG PINSALA | Magnitude 5.4 na lindol, naramdaman sa Davao Oriental kagabi

21

Davao Oriental – Naramdaman ng mga residente ang magnitude 5.4 na lindol sa Davao Oriental, alas-10:59 kagabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 30 kilometro silangan ng Bayan Governor Generoso.

Nasa 135 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan kung saan naitala ang intensity III sa Davao City.

Unang inasahan na may mga kasunod na pagyanig o aftershocks ngunit hindi naman na ito naramdaman pa habang wala din mga ari-arian ang nasira.

Facebook Comments