KALABOSO! | Ika-9 na drug personality sa Davao region, arestado sa ikinasang buy-bust operation

3

Davao Occidental – Arestado ang ika-siyam na drug personality sa Davao region matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Barangay Balangunan, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Kinilala ang suspek na si Jimmy Mansur, 40-anyos.

Sa isinagawang operasyon, nakuha mula sa suspek ang isang kilong marijuana na nagkakahalaga ng P10,000 at ilang gramo ng shabu na may halagang P68,000.

Kabilang din sa mga nakuha mula sa suspek ang boodle money na ginamit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-11 sa pagbili sa kanya ng iligal na droga.

Facebook Comments