WALANG PINSALA | Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Surigao del Norte – Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Surigao del Norte, dakong alas dose ng hating gabi.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong isang kilometro ng south west ng San Francisco Anao-Aon.

Tectonic ang sanhi ng lindol na may lalim na 17 kilometro.


Naitala naman ang intensity V sa Surigao City, intensity IV sa Pintuyan, Southern Leyte, intensity II sa Palompon, Leyte.

Walang napaulat na nasaktan sa lindol pero inaasahan ang mga aftershocks.

Facebook Comments