Sports – Iginiit ni undefeated American boxing champion Floyd Mayweather Jr. na aakyat siya sa loob ng octagon para lumaban sa Ultimate Fighting Championship.
Sa panayam nito sa Fight Hype, sinabi ni Mayweather na wala siyang plano na lumaban sa mixed martial arts format ng UFC.
Pero kung nanaisin daw ni Mayweather kayang-kaya niyang kumita ng isang bilyong dolyar sa kaniyang UFC fight.
Huling lumaban si Mayweather noong Agosto 26 nang talunin niya sa pamamagitan ng 10th round technical knockout si UFC star Connor McGregor.
Pagkatapos ng laban nagretiro na si Mayweather.
Facebook Comments