WALANG PLANO | PRRD, hindi papangalanan ang mga personalidad na nasa bagong narcolist

Manila, Philippines – Wala umanong balak si Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang mga narco-politician na posibleng sumabak sa 2019 midterm elections.

Matatandaang sinabi ng PDEA na may 86 pang narco-politicians sa kanilang listahan ang posibleng mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec.

Samantala, wala namang ideya ang Pangulo kung tatakbo sa local elections ang anak niyang si Paolo Duterte.


Pasko ng nakaraang taon nang magbitiw bilang vice mayor ng Davao si Pulong sa ngalan ng “delicadeza” matapos na madawit sa kontrobersyal na smuggling case sa customs at sa away nila ng anak niyang si Isabelle sa social media.

Sa usapin naman ng pagtakbo ni Harry Roque inamin ng Pangulo na naguguluhan siya kung talagang kakandidato ito o hindi.

Bukod kay Roque ilang cabinet members pa ng administrasyong Duterte ang inaasahang magbibitiw para sumabak sa halalan.

Kaugnay nito, naghahanap pa raw ang Pangulo ng mga taong ipapalit niya sa kanila sa kanyang gabinete na malamang ay manggagaling sa militar dahil mas madali raw silang utusan.

Facebook Comments