Manila, Philippines – Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong illegal possession of firearms and explosives laban sa Tunisian na sinasabing miyembro ng ISIS.
Base sa resolusyon ni Senior Assistant State Presocutor Peter Ong, walang probable cause sa reklamong inihain ng PNP – NCRPO laban sa dayuhang si Fehmi Lassquoed alyas Haytham Abdulhamid Yusof at sa pinay live-in partner nitong si Anabel Moncera Salipada.
Sa reklamo ng PNP, narecover ang mga pampasabog noong February 16 sa kwartong tinuluyan nina Lassquoed at Salipada sa Ermita, Maynila.
Gayunman, hindi ito tumugma sa mga inilatag nilang ebidensya.
Lumalabas din na wala sa loob ng kwarto ng casa blanca apartment si Lassquoed nang magsagawa ang mga otoridad ng search operation.
Aminado rin ang arresting officers na wala sa larawang iprinisenta nila sa DOJ sina Lassquoed at Salipada.