WALANG PROBLEMA | CHR, aprub sa subpoena powers ng PNP para mapabilis na mapanagot ang mga nasa likod ng EJKs

Manila, Philippines – Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na mapapabilis ang pagresolba sa mga kaso ng Extrajudicial killings na maiuugnay sa war on drugs ng Duterte Administration ngayong binigyan ng subpoena powers ang PNP.

Ayon kay Atty. Jacqueline de Guia, spokesperson ng CHR, wala silang nakikitang problem sa intensyon ng batas na nagbibigay kapangyarihan sa pinuno ng PNP at Criminal Investigation and Detection Group na makapagsilbi ng subpoena powers, kung ang layunin nito ay mapabilis ang imbestigasyon sa mga kriminal na aktibidad o pagpapanagot sa mga kaso ng inhustisya.

Gayunman, binigyang diin ni de Guia na ang subpoena powers ay hindi dapat na ituring na unlimited.


Dapat aniya, na magamit ito ng may pagkilala sa rule of law at pagrespeto sa karapatang pantao.

Facebook Comments