WALANG PROBLEMA | PNP, suportado ang pagsali ng Moro sa kanilang hanay

Manila, Philippines – Walang problema kay Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa kung mapabilang sa kanilang organisasyon ang mga Moro.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation ng PNPA Class of 2018 kahapon na kailangan nya ang mga Moro na sa sumali sa pulis at militar para mas maging isa ang bansa.

Sinabi ni Dela Rosa, suportado niya ang Pangulo at tama lang na mapakalat ng maayos ang recruitment sa PNPA at PMA sa lahat ng ethnic groups o tribo.


Kung magkakaroon daw kasi ng representative sa bawat lugar o bawat tribo ay mas magiging epektibo ang PNP sa kanilang trabaho.

Nabatid na sa 106 na mga nagtapos sa PNPA, 76 dito ay pumasok sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments