Manila, Philippines – Iginiit ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na walang pulis ang sumasama sa mga riding in tandem upang pumatay gabi-gabi dahil wala aniyang pulis na binabayaran ng Philippine National Police para gumawa ng extrajudicial killings.
Ito ang sinabi ni Dela Rosa sa naganap na public order committee hearing sa briefing ng oplan double barrel reloaded.
Ayon kay Dela Rosa, kung may mga ganitong ulat, hindi ituturing na mga pulis ang mga sangkot kundi mga scalawag na tinutugis din ng Pambansang Pulisya.
Sinabi rin ni Dela Rosa na hands on si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya kontra droga at kriminalidad at hindi lang, aniya, micromanager sa usapin ng anti-illegal drugs campaign.
Facebook Comments