Dalawang tauhan ng United Nations, dinukot sa Congo

17

Manila, Philippines – Dinukot ng ilang armadong kalalakihan ang dalawang tauhan ng United Nations (UN) na bahagi ng peacekeeping mission sa bansang Democratic Republic of Congo.

 

Sa ulat, kinilala ang mga dinukot na sina Michael Sharp, isang American national, at Zaida Catalan, isang Chilean.

 

Dinukot din ng mga nasabing suspek ang apat pang Congolese na kasama nina Sharp at Catalan sa may Ngombe village.

Facebook Comments