“WALANG RESPETO” | Mga kabataang lalaking nag-trending habang gumagamit ng marijuana at minumura si PRRD, binalaan ni SAP Go

Manila, Philippines – Binalaan ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang anim na kabataan na pakakainin niya ang mga ito ng marijuana at minumura si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go, walang respeto sa Pangulo ang mga kabataan na nasa viral video kaya irerekomenda niya sa Pangulo na ipakain sa mga ito ang marijuana.

Sa naturang viral video, makikita ang grupo ng mga lalaki na nagsisindi ng isang tubo at ibinabandera ang isang supot na may laman umanong marijuana.


Iginiit nila na dapat nang gawing legal ni Duterte ang marijuana.

Matatandaan rin na kusang loob na sumuko kahapon ang anim sa mga lalaking ito dahil na rin anila sa takot sa kanilang seguridad.

Paliwanag nila, 2016 pa kuha ang video pero na-hack ang account ng isa sa kanila kaya lumabas ito sa social media.

Humingi naman na ng tawad ang mga lalaki at nanindigang itinigil na nila ang paggamit ng droga.

Facebook Comments