WALANG SAPAT NA BASEHAN | Botohan sa probable cause ng impeachment complaint laban kay CJ Sereno, wala namang napatunayan – 2 kongresista

Manila, Philippines – Naniniwala sina Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao at Quezon City Rep. Kit Belmonte na wala naman talagang sapat na basehan para ma-impeach si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sina Bag-ao at Belmonte ang dalawang tumutol sa botohan sa House Justice Committee kung may probable cause ang impeachment complaint laban kay Sereno.

Giit ni Bag-ao, lumalabas lang naman sa pagdinig na may internal problem at sama ng loob sa pagitan ng mga Mahistrado at ni Sereno.


Para sa kongresista, nakatulong pa kay Sereno ang pagdinig dahil nanggaling na rin mismo sa ilang resource persons na walang paglabag ang Chief Justice patunay na wala talagang probable cause para mapatalsik ang Chief Justice.

Iginiit naman ni Belmonte na kulang ang complaint ni Gadon kaya wala talagang makukuha na probable cause.

Ang nangyari anya ay ang Justice Committee pa ang nag-imbestiga at naghanap ng mga ebidensya bagama’t wala ring napatunayan.

Facebook Comments