WALANG SAPAT NA EBIDENSYA | Dalawang kaso ni MNLF Founding Chairman Nur Misuari, ibinasura ng Ombudsman

Manila, Philippines – Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang dalawang kaso laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari.

Base sa resolusyon ng Ombudsman, iginiit nitong walang sapat na ebidensya para ipagpatuloy pa ang prosecution laban kay Misuari kaugnay sa pagbili nito ng educational materials na nagkakahalaga ng 115 million pesos mula sa white orchids printing and publishing house.

Nahaharap si Misuari sa three counts ng graft at malversation through falsification.


Nirerespeto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging desisyon ng Ombudsman.

Facebook Comments