WALANG SAPAT NA EBIDENSYA | Kampo ni Senator De Lima, tiwalang maibabasura lang ang kaso ng Senadora

Manila, Philippines – Kawalan ng sapat na mga matitibay na ebidensiya ang nakikitang dahilan ng kampo ni detained Senator Leila De Lima upang mapawalang sala sa kasong ibinentang umano sa Senadora. Ito ang nakikitang argumento ni Atty. Boni Tacardon, abogado ni De Lima, sa pagbasa sana ng Arraignment ng Senadora pero muli uling ipinagpaliban ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ang pagbasa ng sakdal kay detained Senator Delima sa Mayo 18 taong kasalukuyan. Ayon kay Atty. Tacardon ipinagpaliban ni Judge Amelia Fabros Corpuz ang pagbasa ng sakdal kay De Lima dahil nagsampa sila ng Motion for production of Evidence dahil marami umano mga isinampang ebidensiya ang prosekusyon laban sa kanyang kliyente. Matatandaan na una nang inamiyendahan ng DOJ sa kasong Conspiracy to Trade Illegal Drug ang kasong isinampa kay detained Senator Leila Delima noong October 20, 2017 kung saan pinagagaan ang kaso laban sa Senadora na kinatigan naman ng korte. Humingi ng Motion for Reconsideration amg kampo ni Senator Delima na huwag tanggapin ang ameyenda sa naturang habla dahil mayroon pang nakabinbing Omnibus Motion para magkomento ang Prosecution at papareplayin pa ang depensa pagkatapos nito ay magkakaroon pa ReJoinder ang Prosecution. Paliwanag ni Atty. Tacardon karapatan umano ng kanyang kliyente na makakuha ng kopya ng sinasabi ng Prosekusyon na mga matitibay na ebidensiya laban sa Senadora.

Facebook Comments