NATUKLASAN | Talamak na nakawan ng mga alagaing hayop ng Bureau of Animal Industry sa Palawan, binunyag ni Agriculture Sec. Piñol

83

Palawan – Nagbanta si Agriculture Secretary Manny Piñol na sisibakin niya sa pwesto at kakasuhan ang mga tiwaling kawani o opisyal ng gobyerno na mapatunayang sangkot sa mga nangyayaring nakawan sa isang livestock farm sa isla ng Busuanga sa Palawan . Kasunod ito ng impormasyong natanggap kaugnay sa isang sindikato na nagbebenta ng lupa na bahagi ng rancho na kinalalagyan ng mga baka na pag aari ng Bureau of Animal Industry. At ang pagnanakaw at pagkakatay ng mga alagaing baka ay nangyayari kada linggo. Nakipag-ugnayan na si Secretary Piñol sa Provincial Government at pulisya ng Palawan para paalisin din ang mga pamilyang squatter na nakatira sa lugar.

Facebook Comments