iFM Laoag – Hindi magkakasa ng transport strike ang mga jeepney drivers sa lalawigan ng Ilocos Norte. Ito ang pahayag ni Governor Matthew Marcos Manotoc.
Ayun sa gobernador, wala daw balak ang mga drayber ng jeep matapos inanunso ng LTFRB na hanggang buwan ng Disyembre nalang ang mga traditional na pampasadang jeep.
Dagdag pa nito na nakikipag ugnayan na ang Metro Ilocos Norte Council sa mga may-ari ng mga jeepneys na hindi mag-aalala ang mga ito dahil may mga programa naman ang probinsiya para sa kanila, gaya na lamang ng fuel subsidy, aide to PUVs in crisis situation at iba pa.
Tuloy-tuloy naman ang pasada ngayong araw ng lunes at walang naging aberya sa lansangan ng Ilocos Norte. ### Bernard Ver, RMN News
Facebook Comments