#WalangPasok Klase sa Cotabato City, Sultan Kudarat at Pigcawayan sinuspinde dahil sa ulan

33

Suspendido ang kalse sa Pre- School at Elementary sa pribado at pampublikong mga paarala sa Cotabato City, itoy bunsod na rin sa nararanasang malakas na pagbuhos ng ulan bunsod sa sama ng panahon ayon pa kay Secretary to the Mayor Anecito Boy Rasalan . Buong araw aniyang kanselado dagdag pa ni Rasalan.

Samantala nagpaabot na rin ng impormasyon sa DXMY si Pigcawayan, North Cotabato Mayor Jun Garcesa na suspendido na rin ang klase para sa Pre-School, Elemenraty at High School sa lahat ng distrito ng bayan.

Suspendido na rin ang klase sa pre-school at elementary sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao ayon pa kay Admin Banjo Mampon.

Kaugnay nito on standby na rin ang bawat LDRRMC ng bawat LGU kasabay ng minomonitor ng na LPA na sinasabing tatama sa Mindanao.

Facebook Comments