Nakatakdang isagawa sa pangunguna ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang ‘Lakad na Pangasinan’ na bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na Halalan sa May 2024.
Alinsunod dito ang gaganaping Walk for ‘Clean, Honest, Accountantable, Meaningful and Peaceful’ o Walk for CHAMP Elections na patuloy na isinusulong ng mga PPCRV Volunteers. Magpapatuloy din ang oryentasyon sa mga ito upang mas mapaigting ang pag-aantabay sa araw mismo ng eleksyon.
Sa panayam kay PPCRV Regional Coordinator for Luzon Trustee, PPCRV National Board Janice Hebron, hinikayat nito ang publiko na isangguni sa awtoridad ang mapag-aalamang insidente ng vote-selling at vote-buying.
Iginiit niya rin ang pagiging mapagmatyag ng mga volunteers sa mga ganitong election-related incidents upang matutukan at mabigyan ng karampatang pananagutan sakaling napatunayang may sala sa umiiral na election laws, rules and regulations.
Samantala, nanindigan ang PPCRV na walang kinikilingan ang mga ito at tapat sa kanilang pinangakuang tungkulin na maging tunay na kaagapay sa panahon ng eleksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments