General Santos City—Daan-Daang mga Kandidato sa darating na halalan, mga matataas na Opisyal ng PNP, AFP, PDEA, Comelec at iba pang ahensya ng Gobyerno sa Region-12, at ibat-ibang sector ng mamamayan ang dumalo sa isang walk for peace na tinawag na “SALUBONG 2019: lakad tungo sa kapayapaan, Iwaksi ang karahasan” na isinagawa dito sa Gensan kaninang umaga.
Nag simula ito alas 7:00 ng umaga kung saan may naglakad mula sa Queen Tuna Park at Bulaong road habang ang iba naman ay nagmotorcade mula sa Roundball ng Barangay Sinawal at Barangay Lagao papuntang Oval Plaza.
Ayon kay Police Director Benigno Durano, Director For Community Development Office, National Headquarters na layon nito para ipanawagan ang ligtas, mapayapa at matiwasay na halalan sa may 13, 2019 election.
Kasabay nito pumirma ng isang peace covenant ang mga kandidato at ang lahat ng mga dumalo sa nasabing event.
Hinamon rin ng COMELEC-12 ang lahat nga mga opisyal na maging patas at tapat sa kanilang pangangampanya sa darating nahalalan.