Walk in, bawal sa mga vaccination site sa Manila ngayong araw

Patuloy ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ngayong araw ng Manila City Government.

Pero, mahigpit ang paalala ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na ngayong araw ay bawal ang walk in sa mga vaccination sites sa lungsod.

Ang tangi lamang maaring bakunahan ay ang mga nakatanggap ng test message mula sa Manila COVAX na nagsasabing ngayon ang itinakdang araw ng pagbabakuna sa kanila.


Magsisilbing vaccination sites ang apat na malalaking mall sa lungsod na kinabibilangan ng Lucky Chinatown, Robinsons Place Manila, SM Manila at SM San Lazaro.

Bawat mall ay may nakalaang 2,500 doses ng COVID-19 vaccine para sa mga nasa ilalim ng A2 at A4 category o mga senior citizens at essential workers.

Bukod dito ay mayroon pang 18 vaccination sites sa iba’t ibang paaralan mula sa district 1 hanggang district 6 sa lungsod at bukas ito para sa nga kasama sa priority group na A1, A2, A3, A4 at A5.

Bawat isa sa nabanggit na 18 vaccination sites ay may tig 1,000 doses ng COVID-19 vaccine.

Bukod sa text message mula sa Manila COVAX, pinapaalala din ni Mayor Isko na huwag kalimutang iprsintiw ang waiver o QR code gayundin ang medical certificate o resetang gamot para sa mga may commorbidity.

Facebook Comments