Inihayag ng Manila City government na walang tatanggapin na “walk-in clients” sa drive-thru vaccination site sa Luneta bukas, Sabado, ika-31 ng Hulyo.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ang mga babakunahan lamang ay ang mga nakapagpareserba sa website na www.manilacovid19vaccine.ph.
Diin ni Moreno, limitado lamang kasi ang slots sa drive-thru vaccination site sa Luneta.
Ayon kay Mayor Isko, kung walang nakikitang araw o slot sa website, ang ibig sabihin ay wala pang slot kaya maghintay lamang sa susunod na anunsyo.
Tuloy naman ang pagbibigay ng first dose bukas mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi sa UST gymnasium.
Base sa Facebook page ng Manila Public Information Office at ni Mayor Isko, mabibigyan ng first dose bukas ang mga kabilang sa A2 at A3 category.
Sa iba pang vaccination sites naman sa Maynila ay nakatakda ang pagbibigay ng 2nd dose ng Sinovac para sa mga tumanggap ng fisrt dose noong July 3.
Samantala, sa ngayon ay nasa 680 naman ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila.