Walk-in registration sa pagbabakuna sa Las Piñas, binuksan na

Tatlong paraan ang inilatag ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas para sa pagpaparehistro bago maturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Bukod sa manu-manong pagpapatala sa barangay at pagpaparehistro online ay may alok ding on-site registration o ang tinatawag na ‘walk-in’ registration sa mga vaccination site sa lungsod.

Ayon pa sa Las Piñas Local Government Unit (LGU), may mga tauhang nakakalat sa ‘walk-in’ registration vaccination sites upang maasistehan ang mga hindi nakalista o naka-iskedyul sa mga vaccination center ngunit nais na rin nilang magpalista para sila mabakunahan.


Nabatid na ang binuksan kamakailan sa The Tent, Vista Global South na matatagpuan sa C-5 Extension ay mayroon nang kabuuang 15 vaccination venues sa lungsod.

Plano rin ng lokal na pamahalaan na magdagdag ng lima pang vaccination sites upang mapabilis ang serbisyo sa pagbibigay ng bakuna sa mga residente ng lungsod.

Facebook Comments