Walk-in sa ilang vaccination sites sa Muntinlupa, papayagan lamang kung may hindi sumipot sa mga naka-schedule bakunahan

Patuloy ngayong araw ang pagbabakuna sa Muntinlupa City sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4 at A5 categories o mga medical frontliners, senior citizens, may comorbidity at mga essential workers.

Ayon sa Muntinlupa City COVID-19 Vaccination program o MunCoVac, papayagan ang walk-in sa ilang vaccination sites pero ‘yun ay kung may matira pang bakuna dahil hindi nakasipot ang mga naka-schedule bakunahan.

Kabilang sa nabanggit na mga vaccination sites ay ang SM Center Muntinlupa, Ayala Malls South Park, Festival Mall, New Cupang Health Center at Sucat Covered Court.


Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 108,000 ang nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine sa Muntinlupa habang halos 28,000 naman ang fully vaccinated o naka-dalawang dose na ng bakuna.

Patuloy ang paghikayat ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi sa mamamayan nito na magparehistro na sa www.vaccine.muninlupacity.gov.ph/muncovac para sa libreng pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments